Heat pinaso ang Pacers

LUMAKAS ang tsansa ng Miami Heat na maidepensa ang kanilang titulo sa Eastern Conference, ito’y matapos pasuin ang Indiana Pacers, 115-83 sa Game 5 ng 2011-12 National Basketball Association, (NBA) semifinals kaninang umaga (Manila time).

Lumiyab ng 30 puntos, 10 rebounds at walong assists NBA MVP LeBron James habang 28 points, three boards at two assists ang inambag ni Dwyane Wade upang ilista ang 3-2 bentahe sa kanilang best-of-seven series.

Inaasahan ng Heat na magiging pisikal ang labanan sa Games 6 na gaganapin sa Indiana.

”Game 6 is going to be physical,” ani Wade. ”We’ve got to understand that this team has a lot of pride. Their crowd is going to be ready. They’re going to come out with a lot of energy. We’ve got to withstand that first hit and still be standing. We’re ready for it.”

Dumugo ang kanang kilay ni Wade matapos ang flagrant foul sa kanya ni Pacer bench player Tyler Hansbrough.

Maganda rin ang nilaro ni Heat starter Shane Battier na tumikada ng 4 of 5 sa three-pointer upang makapuntos ng 13 kasama ang isang free throw.

Kumana naman si Paul George ng 11 pts., four boards at tatlong assists sa Indiana habang si Danny Granger na na-injury ay nakapagtala lamang ng 10 puntos.

Aksidenteng natapakan ni Granger ang paa ni James matapos tumira ang una sa three-points range kaya na napilay ito at inilabas may 3:03 pa sa oras sa second canto.

Sinubukang maglaro ni Granger sa second half subalit hindi nakayanan at lumabas na rin agad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply