Height limit sa mga pulis di na lilimitahan

PINAG-AARALAN na ng pamunuan ng Philippine National Police ang pagluluwag sa kanilang hinihinging height limit para sa mga kuwalipikadong police applicants.

Sa pahayag, pabor ang PNP na alisin na ang height requirement sa mga aplikanteng pulis kung saan ang kasalukuyang height limit ay 5’4 sa mga lalaki, habang 5’2 sa mga babae.

Sa panig naman ni NAPOLCOM Chief Atty. Ed Escueta, naniniwala siyang panahon na rin upang baguhin ang ganitong sistema.

Magugunitang isang isyu ang height limitations kung saan nagkakaroon ng diskriminasyon sa mga nagnanais na maging pulis.

Naniniwala rin si Escueta na hindi hadlang ang tangnkad ng pulis sa pagpapatupad ng kanyang tungkulin.

Samantala, inihayag din ng PNP ang isinusulong na muling pagbuhay ng panukalang pagkakaroon ng national ID system sa bansa.

Ayon kay Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., Chief ng Police Community Relations Group (PCRG) na malaking tulong sa “Law Enforcement Agency” ang national ID system sakaling matuloy ang implementasyon nito.

Sa tulong nito, mabilis na mahahanap ang mga kriminal na nagtatago sa batas na gumagamit ng aliases, anang opisyal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply