Help us, Pinas appeals to US

NAKAHIHIYA man ay humingi na ng tulong ang Pinas sa America para hindi ito api-apihin na lamang ng mga bansang may masamang interes sa atin.

Ano kayang tulong ang ninanais ng Pinas kay Uncle Sam?

Huwag na ninyong itanong sapagkat tiyak na usapang pera na naman ito at mga second hand na kagamitang pang digmaan ang nasa isip ng pamahalaang Pinas.

Kung sakaling pakinggan ng America ang appeal ng Pinas para magkaroon tayo ng isang credible defense capability, makinabang naman kaya ang mamamayan natin?

Ano ang sagot?

Tiyak na hindi.

Kung pera ang ibibigay ni Uncle Sam sa ating gobyerno, katakot-takot na kupitan na naman ang ating mararanasan.

Kung second-hand war equipment naman ang ibibigay ni Uncle Sam, hindi kaya sa magbabakal lamang mapunta ang mga war equipment na ‘yan?

Nakalulungkot isipin pero lagi na lang nangyayari ito tuwing humihingi tayo ng donasyon kay Uncle Sam.

Katulad noong World War II. Ang pera sa war reparation ay ibinulsa lamang ng mga pulitiko.

Ganyan din ang malamang na mangyayari sa atin sa kasalukuyang appeal natin sa US.

Sa totoo lamang, bihirang politiko ang nagmamahal sa ating bansa.

Puro pagnanakaw ang kanilang inaatupag.

Ngayong nahaharap tayo sa isang giyera sa South China Sea, hanggang satsat lamang ang inyong maririnig sa mga politikong iyan.

Huwag naman sanang mangyari, pero kung sakaling tayo ay masakop ng Tsina, tiyak na maraming Filipino politician ang kakampi sa Tsina.

Ganyan ang nangyari nang lusubin tayo ng Japan noong na-karaang

world war.
Ang nakaiinis ay may Pinoy pang pumayag na maging Puppet President siya.

‘Yan daw ay upang bigyan ng proteksiyon ang mamamayan ng Pinas.

Charing, sabi ng mga eklabs.

Pero ano talaga ang nangyari?

Yumaman lamang ang mga politikong ito at ang isa ay bibigyan pa ng lupain sa Japan.

Ang mga mahihirap, Tsinoy man o hindi, ang nagmamahal sa ating bansa.

Sa mga mayayamang Tsinoy, malamang ay lalo silang yumaman dahil tiyak na kakampi sila sa China kung magkaroon nga ng giyera sa atin.

At mauuso na naman ang mga makapili, ang mga Pinoy na walang pagmamahal sa Pilipinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply