Hinanakit vs Corona inilabas ng pamilya Basa

SA IKALAWANG pagkakataon ay emosyonal na humarap sa media ang magkakapatid na Basa, na dumating sa Pilipinas upang saksihan ang paglilitis laban kay Chief Justice Renato Corona.

Sa isang press conference, pagkatapos ng paglilitis ngayong hapon ay sinagot na ng magkakapatid na Basa ang kanilang tugon sa mga paratang ng punong mahistrado laban sa kanilang ama na si Jose Maria Basa.

Unang nagsalita si Carmen Basa na emosyonal na itinanggi ang mga paratang ni Corona sa kanilang ama kabilang dito ang pagiging spoiled brat at kawalan ng trabaho. Kasama ni Carmen ang mga kapatid na sina Ana, Francesca, Eric at Isabel. Sila ay naninirahan na sa Estado Unidos.

Mariing pinabulaanan ng pamilya Basa ang statement ni Corona kahapon (Mayo 22) , nang humarap ito sa korte. Ayon kay Carmen Basa, pawang kasinungalingan ang mga pahayag ni Corona at aniya’y ang kanilang ama ay hindi unemployed kung hindi ito ay nagtrabaho bilang agricultural entrepreneur at military agriculture consultant.

Ayon pa sa binasang pahayag ni Carmen, ang pagkakakaladkad sa kanilang pamilya ay maituturing nilang pinakamasakit na sandali sa kanilang buhay, lalo’t niyurakan daw ni Corona ang imahe ng kanilang amang si Jose Basa.

Iginiit pa ng Pamilya Basa na ang umano’y libel cases laban sa kanilang ama ay unfair, unjust at naisulong dahil sa kapangyarihan ni Corona.

Kaugnay nito, kinumpirma ng pamilya Basa na magsasampa sila ng kaukulang kaso laban sa mag-asawang Renato at Cristina Corona.

Handa umano silang talakayin ang isyu sa tamang forum at kinokunsulta pa nila sa kanilang mga abogado ang mga nararapat na kasong isasampa.

Samantala, sinabi ng pamilya Basa na ipinagdarasal pa rin nila ang pamilya Corona, na matagal-tagal na rin daw nilang naka-alitan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply