Hindi kapwa artista kundi gay billionaire ang karibal ng hiniwalayang aktres

KUNG sinu-sino ang itinuturong third party sa hiwalayan ng kilalang aktor at aktres.

Merong nagsasabi na kapwa artista rin ang sumira sa samahan ng dalawa. Pero bulong ng isa nating source, matindi ang karibal ng aktres sa kanyang papang aktor.

Buhay at kabuhayan ng aktor ang nakasalalay kapag pinakawalan nito ang gay billionaire. Kaya kahit masakit man daw sa loob nito ay dapat talagang tsugihin na ang syotang wala namang yaman.

Kaya pala masyadong aligaga ang pamilya ng aktor sa bago nitong career dahil sa gay businessman na konek ng kanilang binata.

Ikaw na ang makabingwit ng big fish!

***

Mas marami pang lalayas sa GMA-7

May mga talent daw sa GMA-7 ang nagtatanong kung ano ang magiging kalagayan nila sa hinaharap dahil sa mga sinasabi ng mga may-ari ng network kaugnay sa plano nilang ibenta ito. Bagama’t sinasabi ni Mr. Gilberto Duavit, Jr. na not for sale ang istasyon, ang isa namang may-ari na si Mr. Felipe Gozon ay nagsasabi na sa tamang presyo ay handa nilang ibigay sa iba ang pagma-may-ari ng television network.

“If we receive an acceptable offer, then we will sell our entire stake in the company,” ito ang muling sinabi ni Mr. Gozon kamakailan lamang. Kapag sinabing entire stake yata ang ibig sabihin ang 77 porsyento pagma-may-ari ng mga Gozon, the Duavits and the Jimenezes ay mapupunta sa bibili nito plus ang 23 percent held by the public.

Eh, hanggang 45 billion lang daw ang offer ni Mr. Manny Pangilinan ng TV5 kaya hindi sila nagkasundo. Ang sabi ni Gozon ay 100 billion. Pa’no kung tapatan ito ni MVP? Tapos ang laban.

Kaya naman isa-isa nang nagaalisan ang mga talent ng Siyete. At kaylan lang si Rufa Mae Quinto hayun at umigpaw na parang pusa sa Kapatid network.

***

Vice Gov. Daniel Fernando respetado ang press

Nagkausap kami ng PRO ni Vice Governor Daniel Fernando na si JC Reyes. Itinanong ko kanya yung tungkol sa isyung lumabas dito sa Remate sa umano’y pang-iisnab na ginawa niya sa dalawang local media na pinaghintay niya sa wala sa loob ng limang oras pero ayon sa una, ayaw na raw sagutin ng actor/politician ang nasabing
tsismis.

Ibinalik naman sa akin ni JC ang tanong, totoo raw bang magagawa ‘yun ng gwapo at masipag na bise gobernador ng Bulacan sa media? Well, as far as I’m concern, hindi po ako kilala noon ni Vice Gov. nang mapasama ako sa grupo nina Pete Ampoloquio, Peter Ledesma at marami pang entertaiment press na bumisita sa kanya pero napakaluwag ng pagtanggap niya sa akin. Maliban sa movie scribes, marami pang local media na may bitbit ng kanya-kanyang dyaryo ang kinakausap ni Daniel.

Everytime na may interview kami sa pulitikong-aktor, parating puno ng media ang kanyang tanggapan. Madali nga lamang ang usapan dahil gusto nya’y lahat nahaharap niya kesehodang press ka man o ordinaryong tao ka lamang. Wala siyang pinipili.

First come, first serve ang patakaran sa kanyang opisina. Kaya kung huli kang dumating, huli kang mapagsisilbihan. Kung gusto mong mauna, maaga kang dumating.

‘Yan ay makataong pamamaraan nang walang kinikilingan.

Sa totoo, naranasan din namin ang maghintay ng ilang oras, pero imbes na masayang ang panahon namin sa paghihintay, nakipagtsikahan na lang muna kami sa iba pang personalidad sa kapitolyo ng Malolos.

I think, ang nangyari sa dalawang kapatid natin sa panulat ay hindi marahil nakarating sa kaalaman ni Vice Gov. ang presence nila. Imagine, may dala pa silang regalo para sa bise gobernador and yet hindi sila naharap, parang nonsense naman yata. Kasalan ‘yan ng mga taong nakapaligid sa kanya. At since, lumabas ang isyung ito, tiyak magkakaroon ng sabunan nang walang banlawan sa mga tauhan ng magaling na aktor. Hehehe!

Ayon pa kay JC, welcome naman daw kay Daniel ang ganong mga puna, at least daw nahihimasmasan ang huli sa sobrang tutok sa problema ng kanyang constituents at hindi nito nalalaman na may mga tao na palang naghihinanakit sa kanya dahil hindi niya natapunan ng atensyon.

Ang the best way para siya kausapin ay to set him an appointment. Kapag dyan kasi sa kapitolyo mahirap talagang malibre siya sa oras at ang isip niya ay masyadong abala sa iba’t ibang problema na idinudulog sa kanya.

Nagkakawindang-windang na ang utak nya sa kaiisip kung paano matutugunan ang problema ng mga kababayan nya.

Problemahin ba naman ang problema ng iba. Hahaha!

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maaari n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan.

Mabalos!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply