Hindi maka-score: John Prats hiniwalayan si Bianca!

TIGAS sa pagtanggi si Sunshine Dizon ng Sex Bomb Dancers na siya ang third-party sa hiwalayan nina John Prats at Bianca Manalo. Nakahihiya raw sa huli dahil wala naman siyang alam sa isyu na ‘yan at hindi siya sangkot d’yan. At lalong wala raw silang relasyon ni John.

Kung ang pagbabasehan daw ay iyong sweetness nila sa picture, ani Sunshine, walang meaning ‘yun dahil kuha yon sa kanilang show na Banana Split. Natural lang daw ang mga moments na yun dahil magkasama sila sa work.

Maaalalang ganyan din ang sinabi noon ni Bianca. Pero kalaunan lumabas ang totoo-may relasyon nga sila ng pandak na aktor. Ang kawawang girlfriend noon ng aktor na si Rachelle Ann Go ay agad na hiniwalayan noon ng una dahil may nakita na nga siyang kapalit.

Ngayon, nangyari rin kay Manalo ang ginawa ng ex-bf niya kay Rachelle. Bigla rin siyang tinuwaran nito dahil may nakuha na namang iba, at kasamahan din nito sa programa, huh!

Pero may ibang kwento rin kaming nasagap, kesyo hindi raw kasi maka-score sa dating beauty queen kaya nagsawa ito’t nakipaghiwalay nang tuluyan. Ganundin daw kasi ang naging karanasan nito sa mala-Maria Clara-ng si Rachelle. Hahaha!

Anyway, sabi ni Kuya Boy sa Bandila, inamin daw mismo ni Bianca na may dalawang linggo na raw silang break ng aktor. Umabot din nang pitong buwan ang relasyon nila.

***

15 oras na kalbaryo ng mga pasahero sa Mega Bus TYL613!

GUSTO naming bigyan ng espayo itong isang reklamo ng isa naming kumpare. Ilabas daw namin dito sa Remate dahil ang buong kahabaan ng McArthur Hi-way (Mula Maynila hanggang dulo ng Bicol) ay nakabalandra ang Pahayagan ng Masa. Hindi raw katulad ng ibang tabloid na may parte lang sa Bicol na meron sila.

Sabi ng kumpare nating si Wowie Nava, sumakay daw siya ng Mega Bus Lines Corp. na may plakang TYL613 sa bus terminal ng Araneta sa Cubao nung June 26, lumarga ang sasakyan sa pagitan ng alas-otso at alas nueve ng gabi.

Dapat 7-9 oras lang bago makarating ng Naga City pero sila ay inabot ng 15 hours dahil sa panay sira raw ang nasakyan nilang bus. Okey lang daw sana ‘yun. Ang problema pag naaayos ito ay halos paliparin ng driver ang sasakyan at tumatakbo pa itong walang headlights!

Napagtyagaan daw na sana nila ang isinalang sa DVD na Kachupoy movie at panay ang tawa ng driver, pero nang palitan ito ng heavy rock music ay doon na sila nagduda dahil maliban sa sobrang lakas ng tunog, may karga ang driver! Namumula raw kasi ang mata nito at kaiba rin ang ikinikilos. Giatay!

Kaya sa loob ng 15 oras ay halos hindi na sila humihinga sa pagkakaupo. Pinagdadasal nila na sana’y makarating sila ng ligtas. Pasalamat daw sila dahil sirain ang bus, dahil kung nagkataong nasa magandang kondisyon ito, baka lumipad na sila sa bangin sa sobrang bilis ng takbo nito.

Paging LTO at iba pang kinauukulan, sana regular ang drug test sa mga driver at magkaroon din sila ng biglaang inspection sa mga bus at driver para mahuli nila ito sa akto. Huwag yung Mahal na Araw lang o pag may okasyon sila gumagawa ng inspection.

***

Alma at Joey magbabalikan na

SA NATATANGING pagkakataon, muling magkakaharap ang dating ‘power couple’ sa showbiz at pulitika na sina Alma Moreno at Joey Marquez. Walong taon matapos ang kanilang annulment, sabay na haharap sa buong bayan ngayong Sabado (Hunyo 2) sa “Showbiz Inside Report” ng ABS-CBN ang dating mag-asawa upang personal na ibahagi ang kanilang totoong buhay sa likod ng kamera– noon bilang ‘Mr. and Mrs. Marquez,’ at ngayon bilang malapit na magkaibigang Alma at Joey.

Tulad nila, itatampok rin sa “SIR” ang ex-couple na sina Aiko Melendez at Jomari Yllana na matapos ang annulment ay nanatiling matibay na sandalan ng isa’t isa. Kumusta ang buhay ng mga artistang dinanas ang sakit ng hiwalayan sa mapanuring mata ng publiko? Posible nga ba talaga sa magulong mundo ng showbiz na ang dating nagkaibigan ay maging magkaibigan?

Samantala, tuklasin ang iba pang kontrobersyal na showbiz ex-couples at ang kanilang ekslusibong kwento ng pagkakaibigan matapos ang break-up. Samahan sina Carmina Villaroel, Janice de Belen, Joey Marquez, at Ogie Diaz sa masusi nilang pagkilala sa mga pangalang sangkot at alamin ang tunay na laman ng puso ng kanilang mga pamilya at ng ilang taong malapit sa kanila.

Huwag palampasin ang trending Saturday entertainment talkshow ng ABS-CBN, “Showbiz Inside Report,” tuwing 2:30 ng hapon, pagkatapos ng “It’s Showtime.”

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maaari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan.

Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply