Hiniwalayan ni misis, pumatay ng 3 katao

PATAY ang tatlo katao, kabilang ang isang menor-de-edad nang pagbabarilin ng isang lalaking napraning matapos hiwalayan ng kanyang misis sa Alaminos City, Pangasinan kagabi.

Kinilala ang mga namatay na biktima na sina Sonny Boy Asia, Wilcyn Palecpec, at ang 14-anyos na lalaki na hindi pa alam ang pagkakilanlan.

Sugatan naman sa pamamaril si Gilbert Ramiscal, bayaw ng nakatakas na suspek na kinilalang si Aaron Kabugatan Mansongayan.

Ani Ramiscal, nasugatan siya sa kamay nang makipag-agawan ng baril kay Mansongayan makaraang mag-amok sa kanilang lugar sa Bgy. Bisocol, Alaminos City.

Nang huminahon ang suspek ay iniwan na ni Ramiscal ang bayaw para ipagamot ang kanyang kamay pero laking gulat niya nang mabalitaang namaril na ito ng mga parokyano sa kanilang kantina.

Lumalabas na nakatambay sa kantina ng suspek sina Asia at Palecpec, at ang menor de edad na biktima nang paputukan ng suspek.

Nakuha sa lugar ng krimen ang anim na basyo ng bala at tatlong slug ng kalibre .45 baril.

Sa pagsisiyasat, nabatid na nawala sa sariling katinuan si Mansongayan dahil sa labis na pagkadismaya nang hiwalayan ng kanyang misis.

Tinutugis na ng awtoridad ang suspek na agad na tumakas matapos ang krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply