Holiday winasiwas ang Bulls

TUMATAWA lang si Jrue Holiday kapag nagkakamali, marahil ito ang dahilan kung bakit nalalapit na silang sumampa sa susunod na round.

Tatlong turnovers, 7 of 23 sa field goal at 2 of 7 sa three pointer si Holiday subalit nakuha pa nitong tumikada ng 20 puntos, walong rebounds at anim na assists upang ilista ang 89-82 panalo ng Philadelphia 76ers laban sa No. 1 Chicago Bulls kaninang umaga sa 2011-12 National Basketball Association, (NBA) Game 4 playoffs.

”You’ve got to be happy when you play,” sabi ni Holiday na nakikipagtawanan sa kakamping si Evan Turner kapag sumasablay ito. ”It really helps.”

Angat na ng 3-1 series ang Sixers sa kanilang best-of-seven Eastern Conference match at nakatakdang tapusin ng Philadelphia ang Chicago sa Miyerkules.

Nanganganib ang Bulls dahil hindi pa rin makakalaro ang kanilang star player na si Derrick Rose na may ACL.

Sa historya ng NBA postseason, apat na beses ng nanalo sa first round ang No.8 sa No. 1 kasama dito nakaraang season kung saan ay sinibak ng pangwalong Memphis Grizzlies ang top seed na San Antonio Spurs.

”I’m not worried about it,” ani Bulls coach Tom Thibodeau. ”I’m just worried about the next game. We do have more than enough to win with.”

Lamang ang 76ers 74-73 ng biglang pumukol ng back-to-back treys si Holiday upang gawing pito ang abante, 80-73 may 3:34 minuto na lang ang nalalabing oras sa fourth canto.

”We have to play like it’s Game 7,” saad ni Holiday. ”We want to win in Chicago.”

Si Spencer Hawes ang nanguna sa opensa ng Sixers matapos magtala ng 22 pts. at walong boards habang si Andre Iguodala ay may 14 points, 12 boards at dalawang assists.

”I think the adrenaline carried me through the game,” wika ni Iguodala. ”It’s hard to get on your toes, that’s the hardest thing.”

Kumana naman si Carlos Boozer ng 23 markers, 11 boards at apat na assists para sa Bulls habang bumakas sa kanya si C.J Watson ng17 puntos, anim na rebounds at apat na assists.

Sa ibang Eastern Conference match, humaba pa ang serye sa pagitan ng Miami Heat at New York Knicks matapos manalo ang huli, 87-89 sa game 4.

Tangan ng Heat ang 3-1 bentahe.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply