Homeless na, gutom pa

HINDI maganda ang nagaganap sa 40 milyong manggagawa sa repablik ni Juan.

Pero hindi lang hindi maganda kundi malungkot din.

Alam ba ninyo, Suki, kung bakit?

Sangkatutak na ang gutom, sangkatutak pa ang homles.

Paano?

oOo

Kuwento ng mga manggagawa nating kapitbahay, dinedemolis ng kontraktuwalisasyon ang kanilang tsansa na magkabahay.

Por eksampol, Suki, sa lugar na malapit na malayo sa ating pinapasyalan.

Ang daming manggagawa sa paligid.

Nandoon lang naman ang ilang hawsing pradyek na nag-ooper ng mula sa P1 milyon hanggang P1.5M na halaga ng bawat yunit.

Sabi sa atin, lulubog-lilitaw ang mga nakatira sa lugar.

‘Yun pala, dahil sa kontraktuwalisasyon na kumakadena sa paghahanapbuhay ng mga obrero.

Lahat ng mga obrero na hanggang limang buwan lang ang trabaho at taon bago sila makahanap muli ng iba ay naiilitan ng mga hinuhulugang bahay sa mga hawsing pradyek.

Dahil dito, sayang lahat ang mga dawnpeymen at buwanang hulog ng mga ito para sana  sa kanilang tahanan.

Kaya naman, balik sila sa kaiskwateran o pangungupahan.

oOo

Pero may higit na nakalulungkot, Suki, na nagaganap sa hanay ng mga obrero.

Dahil din sa kontraktuwalisasyon, napakalaganap ang gutom sa kanila at kanilang mga pamilya.

Sino nga naman ang hindi magugutom sa pagkakaroon-dili ng trabaho dahil sa kontraktuwalisasyon?

Magkakatrabaho ka nga naman ng limang buwan pero sa susunod na mga buwan at taon, wala ka nang mapapasukan.

O PNoy, makinig ka sa daing ng mg obrero na gulugod ng gobyerno at ng buong Pinas.

Pawiin ang kanilang hirap at gutom.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply