Honesty is the best policy

MAY isang bestseller na aklat na ang pamagat ay ALL I NEED TO KNOW IN LIFE, I LEARNED THEM IN KINDERGARTEN. Lahat daw ng kailangan ng tao sa buhay ay natutuhan mo noong kinder ka pa. At isa sa itinuro sa atin ay ang pagsasabi ng totoo. At dito nagbase ang karamihan ng ating mga senator-judge sa pagpapatalsik kay Chief Justice Renato Corona.

Kahit na aminado ang karamihan na mahina ang ebidensya na isinalang ng prosecution ay hindi pa rin naitago ang katotohanan na may mga dollar account at peso account si Corona na hindi niya idineklara sa kanyang SALN.

Marami sa mga senator-judge ay hindi kumbinsido sa depensa ni Corona. Ang natanim sa isip ng mga senator-judge ay napakalaking halaga ang dollar at peso account mo at hindi mo ito dineklara sa SALN alinsunod sa Saligang Batas.

At ang hindi mo pagsunod sa Saligang Batas ay impeachable offense at dahil dito guilty si Corona. Walang senador na nagsabing ninakaw ni Corona sa bayan ang kanyang kayamanan. Hindi issue yan. Ang issue ay simple – sa hindi pagdeklara ng pera niya sa SALN ay may “mental dishonesty” siya at tinatago niya ito sa publiko.

Pero talaga kayang DISHONEST si Corona o tunay ang kanyang “palusot” na protektado siya ng provision ng “non-disclosure clause” sa batas? Sa mga paliwanag ng mga senator-judge dalawa ang tumatak sa aking isipan.  Ang ilan kasi ay halatang “political speeches” lamang.

Ang una ay kay Senator-Judge RALPH RECTO. Simple lang kay Senator Judge Recto. Maaaring palpak ang ebidensya ng prosecution at naniniwala siya na ang isang opisyal ng gobyerno ay dapat may “lee way” sa SALN niya. Pero dalawang milyong dolyar? Sobrang laki ito upang hindi mo dapat ideklara lalo na at Punong Mahistrado ka.

Kaya GUILTY. Ibig sabihin, kung daang libo yan eh baka maniwala pa siya na nagkamali lang si Chief Justice o katulad ng ibang opisyal ay di masyadong naseryoso ang SALN. Pero sa isang Chief Justice, kailangan naman na mas mataas na moral standard ang kailangan.

Ang opposing view ay kay Senator-Judge Miriam Defensor Santiago. As usual, sinabon niya ang prosecution at para sa kanya hindi dishonest si Corona.

Kung dishonest si Corona, dapat ay hindi na niya ipinangalan sa kanya mismo ang dollar account niya tulad ng ginagawa ng maraming congressman na wala sa kanilang sariling pangalan ang kanilang yaman kung hindi nasa pangalan ng mga taong pinagkakatiwalaan.

Para kay Miriam – “HYPOCRITICAL” ang lahat ng ito dahil mismong mga taga-usig ay may mga tinatagong yaman, walang matitirang congressman o senator para litisin o husgahan si Chief Justice o sinoman sa impeachment trial.

Sa aking pananaw ay ito. Tama ba na napatalsik natin ang Punong Mahistrado dahil lamang sa hindi niya pagdeklara sa SALN ng kanyang yaman? Ang sagot ko po ay HINDI.

Pero pag tanong ay tama ba patalsikin ang Punong Mahistrado dahil sa kanyang INTENTIONAL na pagtatago ng kanyang yaman sa SALN na labag sa mandato sa Saligang Batas? OPO, GUILTY siya dito.

Ngunit ang mas importanteng tanong ay tanging si Corona lamang ang may alam nito — ANG KATOTOHANAN NA INTENTION NGA NIYA HINDI ISAPUBLIKO ANG KANIYANG YAMAN. Maaring tama, maaaring mali tayo sa paghusga sa kanya pero at the end of the day ang moral lesson sa atin lahat —- HONESTY IS THE BEST POLICY.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply