Hontiveros: Walang pumilit sa akin na maghain ng reklamo vs Corona

SINABI ngayon ni dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros-Baraquel na walang nagturo o pumilit sa kanya upang maghain ng reklamo laban kay Chief Justice Renato Corona.

Ang kanyang pahayag ay kasunod ng tanong ni Senator-Judge Panfilo Lacson kung may pumilit o nagsabi sa kanila na maghain ng reklamo laban sa punong mahistrado.

Ani Hontiveros, ang paghahain ng reklamo laban kay Corona ay pasya nila ng mga kapwa complainant.

Agad namang natapos ang pagsalang ni Hontiveros sa witness stand matapos mag-urong ng kanilang katanungan ang ilang senador, kabilang na si Senator-judge Miriam Defensor-Santiago.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply