Hostage drama sa Manila, 1 patay, 1 sugatan

INABOT ng limang oras bago natapos ang hostage drama sa Sampaloc, Maynila, ikinamatay ng isang biktima at ikinasugat ng isa pa makaraang barilin ng dating master sgt at miyembro ng Philippine Marine kaninang tanghali.

Buhay namang naaresto ng mga miyembro ng MPD-Special Weapon & Tactics ang suspek na si Vergante Negocio, kamag-anakan ng mag-asawang hinostage na sina Dan Dumduma, 44 at Luzviminda, 47, ng 771- 3 M. Dela Fuente St. nasabing lungsod.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa katawan ang mister na kanyang ikinamatay habang masuwerte namang nabuhay ang babae na agad naisugod sa UST Hospital.

Sa ulat ni P/Supt. Rolando Balasabas, Station commander ng MPD-Sampaloc Police Station 4, alas-11:45 kanina nang i-hostage ni Negocio ang mag-anak na Dumduma sa ikatlong palapag ng tinitirhang apartment.

Nagawa namang tumakas ng limang anak ng mag-asawa, nang dumaan sa fire escape sa harapan ng apartment at naiwan ang kanilang magulang.

Nagsimula namang nagkaroon ng tensyon, nang may makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril, at ilang oras pa ang nakararaan ay bumaba ang suspek na hawak ang isang granada.

Lumalabas na nagalit si Negocio nang hindi siya bayaran ng mag-asawa sa kanyang sinisingil na utang na gagamitin ng kanyang anak sa pag-aaral.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply