Hostage drama sa Maynila bubusisiin

BUBUSISIIN ng Philippine National Police ang naganap na hostage drama sa Sampaloc, Manila kahapon ng hapon, Mayo 16.

Sinabi ni PNP spokesman Senior Superintendent Generoso Cerbo Jr. na inatasan na niya kaninang umaga ang Manila Police District para magsumite ng ulat hinggil sa aksyon na ikinasa ng kanilang tauhan sa nanaganp na hostage crisis.

Nais aniya malaman ng PNP kung may nilabag ang MPD sa operational procedures sa pagkakasa ng hostage crisis.

Aniya, nagkasa na ng pamamaraan o proseso ang PNP nang maganap ang hostage crisis sa Maynila na nagresulta sa pagkamatay ng 8 Hong Kong tourists at ang nadismis na pulis na siyang nang-hostage sa mga turista noong Agosto 2010.

Kahapon, ang mga residente sa lugar na sina Dan Dumduma, at misis niyang  si Luzviminda ay sugatan nang i-hostage sila ng suspek na si dating Marine Master Sergeant Juanito Vergante sa nasabing lugar.

Nadakip naman ng pulisya si Vergante at ligtas na nai-detonate ang kanyang granada kasunod ng hostage drama.

Sa kabilang dako, nagtamo naman si Dan ng dalawang tama ng bala sa dibdib.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na hinostage ni Vergante ang mag-asawa sa isang apartment sa Dela Fuente Street matapos magtalo dahil sa utang na P300,000.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply