House kay Corona: ‘Wag kang gumaya kay GMA’

HINAMON ng prosecution panel sa House of Representatives si Chief Justice Renato Corona na magbalik sa impeachment court upang magpaliwanag sa akusasyon kaysa gayahin si dating Pangulo at ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na iniiwasan ang cross examination.
Sinabi ng prosecution panel na bagama’t nalulungkot sila sa kondisyon ng kalusugan ng punong mahistrado, hindi naman umano nararapat na gamitin ni Corona ang bulok an estilo ni Arroyo na katulad ng ibang opisyal ng pamahalaan na nahaharap sa kasong graft upang makaiwas sa batas.
“We are sorry to hear about the health condition of the chief justice, we hope that his health improves, but we, together with the Filipino people, are awaiting his appearance before the Senate impeachment court to once and for all respond to the allegations,” ayon kay Deputy Speaker Erin Tanada.
Ipinaliwanaag ni Tanada na nalalaman ni Corona ang kasasapitan sakaling mabigo siyang bumalik sa paglilitis na siyang itinakda ng batas.
Hindi rin umano maaaring balewalain ni Corona ang legalidad at due process na dapat siyang tignan bilang punong mahistrado at iwasan ang paglilitis, dahil ibinasura na niya ang kanyang karapatan na idepensa ang sarili.
“If Corona doesn’t show up, it will only reinforce the suspicion of many that he did not want to be cross-examined, that he was evasive,” ani Tañada.
Para naman kay Aurora Rep. Sonny Angara, hindi makabubuti kay Corona na gayahin ang estilo ng pamilya Arroyo at iba pang opisyal ng dating administrasyon na nahaharap sa kasong criminal sa korte dahil mapatotohanan ang alegasyon na nakalagay sa impeachment complaint.
.
“GMA, Mike Arroyo, Gen. Ligot and even Joc-Joc Bolante attempted but failed to use their medical condition to mask the truth. The people did not buy this charade that’s why it failed,” ayon kay Angara.

“We are sure the chief justice knows this because it would be very damaging for him,” patapos niya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply