Hukom sa Cotabato City sinibak ng SC

SINIBAK ng Korte Suprema  ang isang hukom sa Cotabato City dahil sa pagpapalabas ng mga desisyon sa mga kaso ng pagpapawalang-bisa ng kasal nang hindi nagsasagawa ng pagdinig.

Sa  Supreme Court en banc decision  na pinalabas noong May 15, 2012, napatunayan na nagkasala ng gross misconduct at pagsisinungaling si Judge Cader P. Indar, Al Haj, Presiding Judge  ng  Regional Trial Court (RTC), Branch 14, Cotabato City at nagsisilbi ring Acting Presiding Judge ng RTC, Branch 15, Shariff Aguak, Maguindanao.

Ayon sa SC, nilabag ni Indar ang Canons 1 and 7 and Rule 1.01 ng Code of Professional Responsibility kaya tinatanggal na rin ang kanyang pangalan sa Roll of Attorneys.

Bukod pa rito, tinanggalan rin  si Indar ng lisensya at maging ang benepisyo na dapat niyang makuha sa pagreretiro ay tinanggal rin maliban sa kanyang mga leave credits.

Sa nasabing desisyon, hindi na maaring  makapagtrabaho si Indar sa anumang sangay ng pamahalaan at mga korporasyong pag-aari ng gobyerno.

Ang parusa kay Indar ay nag-ugat  sa report ng Local Civil Registrars ng  Maynila at Quezon City to the Office sa Court Administrator (OCA) kaugnay sa mga natanggap nilang desisyon, resolusyon at mga kautusan hingil sa marriage annulment na inisyu ni Judge Indar.

Maging ang mga desisyon sa annulment ng kasal ay hindi rin nakatala sa records  ng RTC-Cotabato, Branch 14 o ng RTC – Shariff Aguak.

Nabuking ang anomalya ni Indar nang  hingin  ni Ms. Miren Galloway, Manager-Permanent Entry Unit, Australian Embassy, Manila  ang kumpirmasyon sa desisyon ni  Indar noong  May 23, 2007, sa marriage annulment case na kinasasangkutan ng isang Chona Chanco Aguiling v. Alan V. Aguiling  na  napatunayang hindi existing ang record ng nabanggit na kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply