Humble Riches, Hagdang Bato magkakasubukan sa Triple Crown

DALAWA sa pinakamagaling na batang kabayo sa bansa ay sina Humble Riches at Hagdang Bato.

Sa huling paghaharap ng dalawa ay nagkaroon pa ng kontrobersyal dahil nanalo si Hagdang Bato sa isang protesta.

Unang tumawid ng meta ang kabayo ni Kenneth Causon na si Humble Riches subalit nagkaroon ng banggaan sa huling kurba at sinasabing naperhuwisyo si Hagdang Bato.

Matapos ang desisyon ay kanya-kanyang kuro-kuro na ang naglabasan.

Bukas ng hapon (Mayo 20) ay muling maghaharap ang dalawa sa gaganaping 1st Leg Triple Crown Stakes Race na ilalarga sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

“Matagal na naming hinihintay ang paghaharap nila Humble Riches at Hagdang Bato, dito malalaman natin kung sino talaga ang kampeon at magaling sa kanilang dalawa.” saad ni Albert Landayan isang karerista.

Gagabayan ni class A rider Val Dilema si Humble Riches habang si former Philippine Sportswriters Association, (PSA) jockey-of-the-year awardee Jonathan “Uno” Hernandez ay sasakyan si Hagdang Bato na pag-aari ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos.

May distansyang 1,600 meter race kung saan ay tumataginting na P1.8 milyo ang nakalaan sa unang kabyong tatawid ng meta.

Ang ibang kalahok sa nasabing prestihiyosong karera ay sina Purple Ribbon, Steel Creation, Patron at Karapatan.

Tatanggap din ng P675,000 sa sesegundo habang P375,000 at P150,000 para sa third at fourth placers ayon sa pagkakasunod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply