Hurting talaga si Daniel Matsunaga!

MAY pahayag si Dingdong Dantes sa isyu na umano’y buntis si Marian Rivera. Nagsimula ang isyu na umano’y nasa gym si Dingdong at may gym mate ito na nag-congratulate sa aktor.

“Well first, kasi, first of all, whenever I’m in the gym I really don’t talk about things much kasi, kumbaga sandali lang ako run, e.

“Tsaka kung may pag-uusapan man kami e hindi tungkol sa mga bagay na ganun kaya nung lumabas yun, nung sinabi may nag-congratulate sa akin, wala talaga akong naaalalang may nagsabi sa akin and siguro pinakamalayo sa imahinasyon ko na mangyari yun dahil it’s a topic na we don’t talk about in the gym.

“So run pa lang, sabi ko parang imposibleng may naganap na ganung klaseng conversation. Pero yung aspetong may posibleng may mag-congratulate sa akin puwede kasi I have a sister who is pregnant sa kanyang pangalawang baby so maaaring iyon yun, pero definitely wala sa gym iyon.

“At tsaka sinagot na yata ni Marian yun during the press conference (ng Tweets For My Sweet) so nalinawan naman yun. And it’s a good thing na hindi naman siya masamang topic, di ba, so okay naman yun.”

Ang posibilidad na mangyari nga iyon, na mabuntis si Marian?

“You know what, everything in God’s time.”

Everything in they’re proper place; at kasal muna?

“That’s right, that’s right.”

Tsuk!

-0o0-

SA MALAYSIA kung saan pumunta si Dingdong kamakailan para sa promo ng ‘Endless Love’ na palabas ngayon sa naturang bansa, sa isang presscon ay tinanong ng Malaysian press ang aktor kung nag-propose na ito kay Marian. Ang sagot daw ni Dingdong, pinagpe-pray pa niya ito.

Kung sakaling mag-propose na si Dingdong, ano ang isasagot ni Marian Rivera; tatanggapin ba niya?

“Ano lang… marami pa rin kasi akong gustong gawin at naniniwala naman ako na kung dadating, darating naman yan. At siguro kung dumating man yan e sa tamang panahon. Siguro hindi muna sa ngayon.

“Marami pang mangyayari, e.”

Kailan ang panahon na iyon?

“Ipagdadasal ko rin,” mabilis na sagot ni Marian. “Ipagdadasal ko din dahil naniniwala ako na ito ang isang bagay na hindi madalian, e. Kailangan pinag-iisipan ng mabuti kahit mahal mo ang isang tao.

“Kailangan alam mo kung ano ang magiging resulta after all.”

‘Yun na!

-0o0-

LABIS na nasaktan si Daniel Matsunaga sa nangyaring break up nila ni Heart Evangelista.

Nagkita sila ni Heart sa Party Pilipinas a couple of weeks ago pero hi and hello lang ang nangyari. Hindi pa rin sila nagkakaroon ng chance na makapag-usap.

“We are good friends, you know,” ani Daniel. “I really have big respect for Heart. She’s so special for me. Everyone knows about that and we’re still friends.

“I’m sure in the future, you know… things will be better and we’ll never know what’s gonna happen. But for now, my friendship with Heart will just gonna be always the same.”

Totoo bang habang nasa Brazil si Daniel ay hindi ito kumakain at nagkukulong lang sa kanyang kuwarto dahil sa depression?

“Well in the beginning of course I was sad, and I was counting on the support of my family and luckily I had all of them supporting me especially my mom and my father, they were there. My sister was here in the Philippines.

“My mother went to my room and asked why I was sad and what was happening. Everybody in my family, in the end became sad also because everybody loved Heart.”

Dinenay ni Daniel na ang pagiging nagger diumano ni Heart ang dahilan.

Ano naman ang reaksyon ni Daniel sa intrigang may temper siya at isa ‘yun diumano sa dahilan ng split-up?

“Well of course I’m not the happiest person all the time, you know. Like you can see me, of course I’m a very, very friendly guy. I don’t know where did they get it, that I have temper.

“Of course maybe I have once in like a month or something that I get stressed or something, or I have problems but I never show that to anybody.

“I keep my problems to myself. I don’t like to share, even with my family, my mom, my sister they always worry about me because even today I don’t even show anything to them, I don’t share my problems with them.”

May balita ring lumabas na naghiwalay sila dahil sa mga magulang ni Heart…

“That’s not because of Heart’s parents. I have nothing against them, you know. Since the beginning I was always with them. I respect them a lot.

“Tito Rey, Tita Baby, I have the highest respect for you, guys and I love your daughter and…”

Klaro!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply