Iboto ang kandidato na karapat-dapat

BUKAS, Mayo 6, ang election ng National Press Club at katulad ng inaasahan ay magkikita-kita na naman ang mga miyembro ng NPC na matagal nang hindi nagkikita.

At sana lang ay iboto ng mga miyembro ang mga karapat-dapat na kandidato at huwag sana silang magpadala sa kanilang mga naririnig at mga nababasa  na paninira sa ilang mga kandidato.

Doon naman sa mga kandidato na walang ginawa kundi ang manira nang manira sa ibang kandidato, tigilan n’yo na yang paninira na ‘yan, walang mangyayari riyan dahil sa bandang huli, tayo-tayo pa rin ang magkakasama.

Isang araw lang yang election na ‘yan, mas mahaba ang pagsasamahan nating lahat.

‘Di ba mas maganda na sa halip na magsiraan ay ilatag nyo na lang ang inyong mga plataporma.?

Bawat isa naman sa mga kandidato ay may mga plataporma, ‘di ba mas maganda kung ipaliwanag nyo na lang sa mga botante ang inyong mga gustong gawin kapag kayo’y nanalo  kaysa magsiraan kayo at mangalkal ng mga baho ng bawat isa.

Lahat naman tayo ay may mga baho. Sino ba ang malinis? Pero sana lang ay huwag na natin itong ipaalam pa sa publiko dahil nakahihiya. Ang galing-galing nating bumatikos lalo na sa mga politiko, yun pala mas mabaho pa tayo kaysa sa kanila.

At sa mga botante, sana ay iboto natin ang karapat-dapat, sundin ang konsensya at huwag magpadala sa iba o magpaimpluwensya sa mga naninirang kandidato.

Tama na ang siraan, iisa lang ang mundo na ating ginagalawan, magkaisa tayo at magtulungan para mapaganda at maayos ang NPC, alam naman natin na lahat ng kandidato ay iisa lang ang hangarin ang makapaglingkod sa mga miyembro.

At isa lang rin naman ang gusto ng mga miyembro, ang magkaisa at magtulungan tayong lahat.

Sana maging maayos ang election bukas at sana rin ay magkaisa na tayong lahat at iwasan na ang siraan.

Mabuhay ang NPC at sa mga mananalo. Congratulations sa inyong lahat at doon sa mga hindi papalarin, congratulations din sa inyo dahil lumaban kayo nang parehas.

oOo

Para sa inyong reklamo,  suggestions at komento , magtext lang po sa 0915-5683000 at 0908-7230036  o kaya ay mag email sa lpr_2012@yahoo.com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply