Iguodala isinampa ang 76ers sa 2nd playoffs

KALMADO ang mga kamay ni Andre Iguodala kaya naman naisalpak nito ang crucial na dalawang free throws upang patalsikin ang top seeded na Chicago Bulls kaninang umaga.

Pumorma sa foul line si Iguodala may 2.2 segundo ang nalalabing oras para ipitikim ang winning baskets at itala ang 79-78 panalo ng Philadelphia 76ers sa Bulls sa Game 6 ng 2011-12 National Basketball Association, (NBA) Eastern Conference playoffs.

”I don’t know how we won this game,” sambit ni Sixers coach Doug Collins.

Simula 2003 ay ngayon lang nakaabante sa second round playoffs ang Sixers kaya naman halos mabaliw ang mga fans sa kaligayahan.

Makakaharap ng Sixers ang Boston Celtics na pinauwi rin kahapon ang Atlanta Hawks, 83-80.

Kumpleto na ang pumasok sa 2nd playoffs sa EC kung saan ay maglalaban ang Miami Heat at Indiana Pacers.

Binandera ni Iguodala ang kanyang 20 puntos, pitong assists at apat na rebounds para tapusin sa 4-2 sa kanilang best-of-seven series.

Nagkamada rin ng tig-14 points sina Jrue Holiday at bench player Lou Williams para sa 76ers.

Sina Richard Hamilton at Luol Deng ang bumanat sa opensa ng Bulls na may tig-19 markers habang ang kanilang star player na si Derrick Rose ay hindi nakapaglaro sa buong playoffs.

Malaki sana ang tsansa ng Bulls na manalo sa laban subalit nagmintis si center Omer Asik sa dalawang free throws may pitong segundo na lang sa natitirang oras.

”I thought we had more than enough to win with,” sabi ni Bulls coach Tom Thibodeau. ”I’m disappointed in the loss but I’m not disappointed in our team.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply