Ilang coin purse na mabibili sa Quiapo mapanganib — EcoWaste

NAGBABALA ang isang toxic watchdog sa publiko laban sa pagbili ng mga cute na leather coin purse na nagkakahalaga lamang ng P10 at nabibili sa Quiapo, Maynila matapos na lumitaw sa kanilang pagsusuri na nagtataglay ang mga ito ng kemikal na chromium, na nakasasama sa kalusugan at maging sa kalikasan.

Ayon sa grupong EcoWaste Coalition, 10 leather products ang binili ng kanilang grupo sa mga vendor sa Carriedo Street sa Quiapo at ipinasuri. Lumitaw na lahat ng mga naturang produkto ay nagtataglay ng napakataas na antas ng chromium.

Ang chromium na isang heavy metal na maaaring makasira ng kalikasan kung susunugin at magiging basura dahil maaari nitong ma-pollute ang groundwater at maa-absorb din umano ito ng mga halaman.

Nabatid pa na ang mga taong malalantad dito ay maaaring dapuan ng sakit tulad ng dermatitis, ulceration of the skin, cancer, decrease lung function at posible ring makasama sa atay, bato at maging sa immune systems.

May dalawang principal form ang chromium na kinabibilangan ng ‘trivalent chromium o Chromium III’ at ang ‘hexavalent chromium o Chromium VI’.

Ang Chromium III ay essential element para sa nutrisyon ng tao ngunit ang Chromium VI ay kilala naman bilang ‘human carcinogen.’

Gamit ang isang X-Ray Fluorescence (XRF) spectrometer, natukoy ng EcoWaste na ang chromium na taglay ng mga naturang coin purse ay nagtataglay ng chromium na 20,200 parts per million (ppm).

Hindi pa naman matukoy ng grupo kung Chromium VI ang taglay ng mga coin purse ngunit nangangamba at naalarma pa rin ang mga ito dahil kung mataas umano ang antas ng Chromium III ay maaari rin itong ma-convert bilang Chromium VI.

Nabatid na ipinadala na ng grupo ang lima sa mga nabili nilang sample sa isang pribadong laboratoryo upang matukoy kung nagtataglay ang mga ito ng Chromium VI.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply