Ilang opisyal ng AMLC balak ipasubpina ng depensa

KINOKONSIDERA ng depensa na ipasubpina ang ilang opisyal na Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang magpaliwanag sa mga dokumentong napasakamay ng Office of the Ombudsman kaugnay ng alegasyong may $10 million account si Chief Justice Renato Corona.

“Kinokonsidera po namin ang pagpa-subpoena sa opisyal ng AMLC,” wika ni Atty. Karen Jimeno, tagapagsalita ng depensa.

Ani Jimeno, ibig malaman ng depensa ang patakarang ipinatutupad ng AMLC sa pagpapalabas ng dokumento sa isang opisyal ng gobyerno na may kinakaharap na kaso tulad ng punong mahistrado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply