Illegal recruiter tiklo sa Koronadal City

HULI ang isang illegal recruiter na umano’y nambibiktima ng mga menor de edad ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Koronadal City sa South Cotabato.

Inaresto ang suspek na si Mary Ann Linao, ng Tacurong City, Sultan Kudarat habang kasamang kumukuha ng NBI clearance ang may 16 na menor de edad na babae.

Ang mga naturang kasamang menor de edad ay nire-recruit umano ni Linao sa Shariff Aguak at pinangakuan ng trabaho sa Kuwait bilang domestic helper.

Nabatid pa na hindi magkatugma  ng mga nakasulat sa birth certificate ng mga menor de edad sa mga impormasyon inililigay sa NBI clearance data form kaya’t pinaghinalaan nilang pinepeke ang mga dokumento.

Nasa kostudiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga kabataan habang inihahanda na ang kaso laban sa suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply