Impeachment court binastos ni Corona

LAHAT ay nagulat nang biglang tumayo si Chief Justice Renato Corona at iwanan ang witness stand nang walang paalam makaraang pirmahan ang waiver para pabuksan ang kanyang peso and foreign currency accounts sa pagpapatuloy ng impeachment trial laban sa punong mahistrado sa Senado.

Sa kanyang huling pahayag, nagbigay ng kondisyon si Corona na pumirma rin ng waiver ang mga senator-judge kabilang na si Senator Franklin Drilon para ipakalkal ang kanilang mga bank account.

Agad namang iniutos ni Enrile ang pagpapasara sa lahat ng pinto ng Senado para hindi makalabas si Corona.

Lumalabas naman na ginamit lamang ni Corona ang impeachment hearing na sariling press conference nang sarili lamang niya’ng pahayag ang inilabas sa paglilitis at iniwasan ang pagsalang sa cross examination na gagawin sana ng prosekusyon.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply