Impeachment na naman

NGAYONG araw ang pagbabalik ng inaabangan o kinaiinisang impeachment hearing ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa Senado.

Inaabangan, sigurado, dahil marami ang gustong makita si Corona na umupo sa witness stand at ipagtanggol ang sarili, bagay na malamang na hindi mangyari.

Kinaiinisan dahil parang wala namang saysay ang pagdinig na ito sa mahal na presyo ng bilihin, mahal na presyo ng kuryente, patuloy na paghihirap ng mamamayan at yung away na sinuong natin kontra sa Tsina.

Idagdag niyo rito yung mga maybahay na maiistorbo na naman ang panonood ng kanilang drama sa tanghali dahil pre-empted ulit ng mga TV at Radio ang kanilang programa pabor sa hearing.

Sa totoo lang, dalawa lang naman ang kalalabasan ng pagdinig na ‘yan, aalisin si Corona o mananatili siyang Punong Mahistrado ng Korte Suprema.

Sa alinmang desisyon, wala akong nakikitang direktang benepisyo sa buhay nating mamamayan niyan.

Sige, isusuko ko ang debate na ang pag-angat ng batas ay malaki ang epekto sa kinabukasan nating lahat. Lagi ko namang argumento yan eh, na ang batas ang dapat mangibabaw para tayo ay umunlad.

Pero yan ay kung lahat ay susunod sa batas at lahat ay apektado ng batas.

Pero kung tayong 90 porsyento lang ng mamamayan ang apektado ng batas at yung 10% na makapangyarihan at mayaman ay hindi, wala ring silbi lahat ng debate natin d’yan sa impeachment.

Sa bandang huli, mapalitan man o hindi si Corona, siguradong mananaig pa rin ang mayayaman at makapangyarihan dahil gagamit sila ng pera at impluwensiya para makuha ang gusto nila.

Sabi nga ng mga pinsan ko sa Germany, dito sa Pilipinas, pag mahirap ang nag-ipon para magreklamo ang tawag rebelyon o anarkiya. Pero pag mayaman, nakakurbata at mabango ang nag-ipon para umalma, People Power ang tawag.

So, ano ang pake ko sa impeachment hearing? Parang wala na eh.

At huli pa, numero lang yan! Nung huling bilang ko, may 9 na hawak na si Corona pabor sa kanya. Pero nitong bakasyon, medyo nabalitaan ng Free Spits na nagapang na yung apat dahil sa redondo sa Comelec.

Sundan po ako sa http://freespits.wordpress.com o kaya email ninyo ako sa ira_p@hotmail.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply