Impeachment rules mahigpit na ipatutupad

MAHIGPIT na ipatutupad ni Senate President Juan Ponce Enrile ang impeachment rules sa paglilitis kay Chief Justice Renato Corona upang hindi madiskaril ang tumpak na decorum sa loob ng impeachment court.

Ayon kay Senate majority leader Tito Sotto, magiging mahigpit si Senate President Juan Ponce Enrile sa pagpapatupad ng impeachment rules sa pagsalang ni Corona sa witness stand upang matiyak na hindi mababastos o ipahiya ang punong mahistrado.

Wala umanong pagbabago sa umiiral na panuntunan kung saan nanatiling dalawang minuto ang ibibigay sa bawat senador na nais magtanong kay Corona at first come first serve basis.

Kasabay ng caucus ng mga senator-judges kanina muling pinaalalahanan ni Enrile ang mga kapwa huwes na tratuhin ng maayos ang punong mahistrado kung saan ipinagbabawal nito ang mga manifestation o anomang uri ng pambabastos sa nasasakdal.

Maraming tinalakay ang mga senador sa kanilang caucus ngunit napagkasunduan na inaanunsyo ito ni Enrile kasabay ng open hearing bukas na magsisimula alas-dos ng hapon.

Samantala, muling pag-uusapan ng mga senador ang posibilidad na dagdagan ang araw ng paglilitis upang matiyak na matapos ang Corona trial ngayong Mayo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply