Impeachment trial magpapatuloy mamayang hapon

PAGKATAPOS ng amin na linggong bakasyon, magpapatuloy na ang Kasado na ang impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona kasabay ng pagbabalik ng sesyon sa Senado, mamayang hapon.

Ngayong nasa ika-35 na araw na ng paglilitis sa punong mahistrado ay muling isasalang ng depensa si dating Manila Mayor Lito Atienza para sa cross examination ng prosekusyon.

Hindi pa rin tiyak kung haharap sa paglilitis ang punong mahistrado, maging ang asawa nito na si Cristina.

Sa kabilang dako, ayon kay defense spokesman Atty. Tranquil Salvador III na may hanggang 16 na testigo silang ihaharap sa paglilitis at inaasahang tatagal ito ng isa hanggang dalawang linggo.

Nais naman ng Senate Impeachment Court na matatapos ang paglilitis at makapaglabas sila ng hatol bago tuluyang ma-adjourn ang 15th Congress sa Hunyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply