Impeachment vs Del Castillo di na itutuloy

HINDI na isusulong ni House Speaker Feliciano Belmonte ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Mariano del Castillo.

Ani Belmonte, wala na siyang intensyon pa na isulong sa Senado ang kaso ni Del Castillo dahil wala na ring oras at panahon para pag-usapan ito sa ngayon.

Masyado na aniyang kapos ang panahon ng mga kongresista dahil halos limang buwan na naging abala ang mga kongresista sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Taliwas naman dito sina House Majority leader Boyet Gonzales at prosecutor spokesman Sonny Angara. Tatalakayin umano nila ang kaso ni Del Castillo pagkatapos ng sine die break dahil kailangan muna nilang ipasa ang panukalang sin tax.

Giit pa ni Angara, kailangang talakayin ang kaso ng mahistrado dahil may limitadong panahon sa ilalim ng Konstitusyon at tuntunin ng Kamara subalit kailangan pa ring isipin kung kinakailangan pang ituloy ang kaso.

Para naman kay Cibac Party-list Rep. Sherwin Tugna, hindi siya papabor na bomoto para isulong ang impeachment complaint dahil naniniwala siyang mahina ang kaso at hindi isang impeachable offense ang kasong “plagiarism.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply