Import ng powerade, bopol

PARA mas mapalakas ang tsansa ay nagpasya ang Powerade Tigers na palitan ang import sa ginaganap na Philippine Basketball Association (PBA) Governor’s Cup.

Makaraang madehado sa dalawang sunod na talo, nagdesisyon agad ang pamunuan pauwiin na si Rashad McCants. Sa halip ang serbisyo ni Omar Shriff Sneed na dating miyembro ng University of Memphis at nakapaglaro na sa ilang liga sa Belgium, Netherlands at Venezuela ang kinuha ng Powerade.

Si Sneed mula sa Memphis Tigers ay may average scoring na 16.7 points at 7.5 rebounds kasama ang anim na double-double.

Sa pag-entra ni Sneed sa team, umaasa ang Tigers na sisiglang muli ang kanilang pag-asa sa komperensiya.

Nabigo ang Powerade laban sa Barako Bull Energy, 101-106, at nagtala lang si McCants ng 23 puntos habang si Gary David ay may 25 puntos. Nasilat din ang Powerade sa defending champion Petron Blaze sa iskor na 83-97.

Inaasahang si Sneed, na naglaro para sa Houston Rockets sa 2001 Rocky Mountain Summer League, ay makakasabay sa laro ng mga local players kabilang na si David ay sina Jondan Salvador, Jayvee Casio, Rabeh Al-Hussaini, Rommel Adducul at Rudy Lingganay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply