Importasyon ng “cream dory” target ng DTI

MALOLOS CITY, Bulacan – Target ng Department of Trade and Industry (DTI) na makuha at maibahagi sa lokal na mamumuhunan ang kalahati ng P610 milyong halaga ng importasyon ng sikat at mamahaling isda na “cream dory” na iniaangkat pa mula sa Vietnam.

Ayon kay Zorina Aldana, DTI provincial director sa Bulacan at regional indusrty manager ng Pangasuis, inilunsad nila kanina ang proyektong “Provincial Pangasuis Forum/ Information Drive and Education Campaign” sa Club Royale upang ipakilala sa mga Bulakenyo at buong region 3 at mga benepisyo pangkalusugan at pinansiyal na dala ng isdang “Pangasuis” na may scientific name na Pangasuis Hypothalamus o mas kilala bilang cream dory na inihahain sa mga kilalang hotel at restaurant.

Layunin ng DTI na turuan ang mga Bulakenyo na mag-alaga, kumain at tangkilikin ang isdang Pangasuis na locally produced dahil bukod sa walang pinagkaiba sa lasa ng kahalintulad na isda na nagmula sa Vietnam ay lumabas pa sa pag-aaral ng BFAR na mas maganda ang kalidad ng karne ng lokal na Pangasuis.

Idinagdag pa ni Aldana na marami na silang nakausap na fishpond owner na nagpapalaki ng Pangasuis at maging ang mga kilalang hotel ay pinakiusapan na nilang tangkilikin ang locally produced cream dory para masungkit ang P300 milyong kabawasan sa importasyon kada buwan ng karne ng isdang ito na magdadala naman ng mga bagong hanap buhay at pagkakakitaan sa bansa.

Napag-alaman naman na ang isdang ito ay kayang lumaki ng isang kilo sa loob lamang ng anim hanggang walong buwan at taong 1981 pa dinala ang Pangasuis sa bansa mula sa Meikong River, Vietnam at naging kilala bilang “hammer head fish” na inaalagaan bilang pet sa aquaruim.

Sa kasalukuyan ay sumikat ang karne nito sa European country at Estados Unidos bilang “cream dory” dahil sa taglay nitong mataas sa protina at omega 3 na panlaban sa sakit sa puso.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply