Ina ni Sec. Carandang itinalagang chairperson ng PRC

ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino III ang ina ni Communications Secretary Ricky Carandang bilang chairperson ng Professional Regulation Commission (PRC).

Inilagay ng Pangulo si Ginang Ma. Lourdes Carandang bilang Chairperson ng Board of Psychology ng PRC.

Matatandaang una nang itinalaga ng Pangulo sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan ang mga kaanak ng mga kaalyado sa partido.

Itinalaga ni Pangulong Aquino si Jennifer Manalili bilang bagong commissioner ng PRC. Si Manalili ay dating administrator ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) bago inilipat sa PRC.

Maliban kay Manalili, kabilang din sa bagong appointments ang brodkaster na si Thelma Dumpit Murillo bilang director 4 ng Department of Trade and Industry (DTI).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply