Indie actress amoy patis raw ang keps!

KUNG ‘yung dating matinee idol na marami ng resto ngayon ay binuking ng dating sikat na sexy star na amoy sardinas raw ang equipment, ngayon ay ang Indie actress naman na nanalo na ng international award ang laman ng blind items na diumano ay ikinakalat ngayon ng leading-man actor sa hindi pa naipalalabas na indie movie na amoy patis raw ang focal point ng pagkababae nito.

Si mahusay na actress ay hindi pa exposed sa mainstream movies at ang madalas nitong makasama sa ilang indie na ginawa ay ang mahusay na actor na ngayon ay sikat na sikat na sa malaking TV network.

Kalokah! Andami naman diyang vaginal douche. May cheap at expensive. Kung hindi carry, sabunin mo na lang nang sabunin Ateh, nang mawala ang foul smell niyan na nakati-turn-off sa mga makapapareha mo pang actor. Dapat sa kagaya mong artista ay alaga mo ang iyong hygiene. Intiendes gyud!

***

Donya Trining tinalo bilang mayor si Miguel Magno sa ‘Valiente’

NGAYONG si Donya Trining Braganza (Jacklyn Jose) na ang bagong halal na Mayora ng San Rafael kung saan tinalo nito sa pamamagitan ng kanyang salapi at pandaraya si Miguel Magno (Ramon Christoper) na kandidato at sinusuportahan ng mga manggagawa sa pamumuno ni Damian (Michael de Mesa).

Dahil sa kapangyarihang hawak ay asahan na lalong maghahagsik ng kanyang kasamaan si Donya Trining. Pero sa pagkakataong ito ay may tatlong tao na susupil sa kanyang mga kawalanghiyaan! At sila ay sina Elaine Lee (Roxanne Guinoo) na misis ng anak na si Theo (Oyo Sotto), Don Luis (Tirso Cruz) at ang taong inaaruga at tinutulungan ni Don Luis na si Gardo (JC de Vera) na nagtatago ngayon sa pangalang Nicolas Vallejo na mula pa pagkabata hanggang magbinata ay nakatikim ng labis na pang-aapi mula sa kamay ng mag-inang Trining at Theo.

Isang kilalang negosyante si Nicolas na bilang bahagi ng paghihiganti ay gagawin ang lahat para mapabagsak ang kabuhayan ng mga Braganza. Samantala, tuluyan na kayang mahulog ang loob ng kasintahan ni Gardo na si Maila (Nadine Samonte) kay Joel (James Blanco) at si Leona, hanggang kailan nito pagmamalupitan ang anak na bunga ng kanyang pagiging pasaway?

Sa latest episode ng Valiente, nakilala na ni Leona si Nicolas kahit ang kalahating mukha nito ay may takip na maskara. Tuluyan na kaya nitong madiskubre na si Gardo at Nicolas ay iisang tao lamang?

Aba! Para masagot ang tanong mo at masubaybayan ang mga painit na painit pang tagpo sa Valiente, panoorin n’yo ito gabi-gabi pagkatapos ng Wiltime Bigtime sa TV5.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply