Inhibition sa Corona trial tinabla ni Angara

PORMAL nang tinabla ni Sen. Edgardo Angara sa ginanap na paglilitis kay Chief Justice Renato Corona ang mosyon ng depensa na magpaliban ito sa impeachment court.

Sa kanyang pormal na manipestasyon sa pagpapatuloy na impeachment trial, sinabi ni Angara na masyadong malisyoso ang panawagan ng depensa ni Corona na mayroong conflict of interest sa kanyang pagiging hukom.

“Hindi ko naman hiningi ang pagiging hukom sa impeachment court, iniatas ito sa akin ng Saligang Batas, kaya paano magkakaroon ng conflict of interest sa aking pagiging hukom” ayon kay Angara.

Dahil dito, pormal nang tinabla ni Angara ang panawagan ng depensa na mag-inhibit siya sa paglilitis kay Corona dahil anak nito ang isa sa mga tagapagsalita ng prosecution panel.

“I reject the call because that is completely irrelevant and immaterial. The judicial code of conduct cannot be used in Congress because we have set of rules to follow,” ayon kay Angara.

Naniniwala si Angara na isang dilatory tactics lamang ang mosyon ni Corona at isang sandata upang durugin ang kredibilidad ng impeachment court.

“I believe it is only a dilatory tactics of the defense panel, and to destroy the credibility of this impeachment court. If you destroy one pillar of justice, the Senate knocking down the very pillar you will seek help and called for,” paliwanag ni Angara.

Sinabi pa ni Angara na masyadong malisyoso ang pagkakasulat ng mosyon dahil nakatala sa huling bahagi ng dokumento kung gusto niyang sagipin ang sarili, dapat bomoto siya pabor kay Corona.

“I have been the president of University of the Philippines and Integrated Bar of the Philippines, and I never seen a legal logic like this, this is a malicious paper,” dagdag niya. Ernie Reyes

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply