Ipinataw na suspensyon ng MTRCB sa ‘T3’ inalmahan ng TV5

UMALMA ang Kapatid Network o TV5 sa ipinataw na 20-days preventive suspension ng MTRCB sa programang “T3” ng Tulfo brothers at nagpahayag na kanilang iaakyat sa korte ang usapin.

Ayon sa ipinosteng mensahe ni TV5 Chief Executive Officer (CEO) and President Atty. Ray Espinosa sa Twitter account ng News5, kanilang kukuwestyunin ang ligalidad ng suspension order ng MTRCB laban sa nasabing programa.

Sinabi ni Espinosa, na pagsikil sa karapatan sa malayang pamamahayag ang suspensyon ng MTRCB at tila pinagdidiskitahan umano ng MTRCB ang T3 kahit na una nang sinuspinde ng network ang mga host nito na sina Raffy, Ben at Erwin Tulfo.

Sa isang panayam naman sa telebisyon kay MTRCB Chairman Grace Poe Llamanzares, sinabi nito na ilang beses nang lumabag ang programa sa kanilang panuntunan.

Noon pa aniya ay winarningan na nila ang programa ngunit naulit muli ang paglabag kaya nagdesisyong suspendihin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply