Isko kumpirmadong sasanib na kay Erap

KINUMPIRMA mismo ni Manila Vice Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na lalahok na siya sa partido ni dating presidente Joseph “Erap” Estrada na United Nationalist Alliance (UNA).

Bukas ng umaga ay nakatakdang manumpa si Moreno na kasalukuyang miyembro ng Nacionalista Party sa pamumuno ni Senator Manny Villar, alas-9 ng umaga sa Club Filipino, sa Greenhills, San Juan City na pamumunuan naman ni Senate President Juan Ponce Enrile.

Ang lalahukang partido ni Moreno ay kinabibilangan ni Estrada na Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) at Vice President Jejomar Binay na Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Ang pagkumpirma ng paglahok ni Moreno sa nabatid na partido ay inihayag makaraang isapubliko mismo ni Erap sa telebisyon noong nakaraang gabi ang pagsali sa kanila ng bise-alkalde ng Maynila.

Ayon naman sa kampo ni Moreno, nagdesisyon siyang lumipat sa UNA dahil nakumbinsi ito na mayroong mas magandang programa na makapagbibigay sa publiko partikular na sa lungsod ng Maynila.

“The group is offering better program of governance  than what is existing right now.” ani ni Moreno.

Hindi pa naman nagsasalita si Moreno hinggil sa kung sino ang miyembro ng City Council na lilipat din sa partido ng UNA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply