Isko Moreno tunay na lider

IPINAKITA lamang ng 28 konsehal ng Maynila na isang tunay na lider ang kanilang presiding officer na si Vice Mayor Isko Moreno matapos nila itong samahan na manumpa sa Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Sa naturan ding panunumpa nina VM Isko Moreno at ng 28 konsehal sa PMP ni Erap ay malinaw din na wala nang liderato si Manila Mayor Fred Lim, na mukhang ‘di lamang nagpapahalata sa napababalitang pagsabak ng dating Pangulo sa labanang pampunong lungsod sa kapital ng bansa.

Ang panunumpa ng nasabing mga konsehal sa PMP at pakikisimpatiya nila kay Isko ay isang indikasyon din na unti-unti na ring bumabagsak ang moog ni Lim sa Maynila.

Malinaw rin sa naturang kaganapan na mas kinilala ng city councilors ang liderato ni Moreno kaysa kay Lim dahil hindi man lamang sila nag-atubili at natakot na posibleng maipit sa kanilang ginawang paglipat at pag-iwan sa kanilang alkalde gayung alam naman nating lahat, na ang kanilang gagawing programa at proyekto ay daraan pa rin sa mesa ni “Dirty Harry.”

Ganyan katibay ang ipinakitang liderato sa kanyang mga konsehal ni Isko dahil maging ang “future” nilang lahat ay isinugal nila rito mabago lamang ang Maynila.

Sabi nga ni VM Isko sa kanyang mga pahayag, mas prayoridad nilang 29 ang kumakalam na sikmura ng taumbayan kaysa sa mga palamuti sa lansangan na alam naman nating pinagkakakitaan din lamang ng iilan.

Kitang-kita natin ang dumadaloy na dugo sa lider na si Isko dahil dala nito ang ugaling taga-Tondo na makamahirap.

###

Tuloy na uli ang impeachment trial sa Senado.

Ang masakit nito, wala na yatang aabangan ang taumbayan sa naturang kaganapan dahil wala namang bagong testigong ihaharap ang depensa sa Senado.

Malinaw kasi na hanggang sa kasalukuyan ay ayaw nilang iharap si Chief Justice Renato Coro-na, maging ang asawa nito.

Kung walang ganitong pasabog ang depensa ay dapat na sigurong tapusin na ang paglilitis dahil alam na ng mamamayan ang katotohanan dahil malinaw na may iti-natago ang Punong Mahistrado ng bansa.

###

Sa mga naghahangad ng pag-kalinga ng pitak na ito, maaari kayong mag-email sa barangayan-ni_isko@yahoo.com o mag-text sa 09336363310.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply