Ismagling ng karne binatikos ng ALAM

BINATIKOS ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) ang Bureau of Customs at Department of Agriculture dahil sa patuloy na nakalulusot ang botcha sa bansa.

Ayon kay ALAM President Berteni Causing, walang ginagawang matibay na hakbang si Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon para matigil na ang ismagling ng karne sa bansa.

Ani Causing, nagbibingi-bingihan ang BOC kahit pa kabi-kabila ang pagbatikos ng media sa kanya.

Kahit umano alam na ni Biazon kung sino ang huhulihin ay wala pa rin itong ginagawa.

Hindi rin aniya nahihiya si Biazon na nakakaladkad ang kanyang pangalan sa kontrobersya at wala man lamang siyang nahuhuli kahit isa.

Sa ulat, 15 container ng inismagel na karne ang nakalulusot sa BOC araw-araw.

Nangangahulugan ito ng pagkalugi ng gobyerno ng P600,000 hanggang P650,000 sa
buwis.

Gayunman, hindi ito ang mas nakatatakot dahil karamihan sa mga nakalulusot na karne ay bulok na lalo at ibinibenta ito sa mga palengke sa murang halaga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply