Italyanong nagpakita ng ari, arestado sa Manila Zoo

ARESTADO ang isang Italyano matapos magpakita ng ari sa mga menor-de-edad sa loob ng Manila Zoo sa ulat ng pulisya.

Ayon sa reklamo ng mga magulang ng mga batang nasa edad 9-13 lamang, agad silang humingi ng tulong sa pulisya nang magsumbong ang kanilang mga anak hinggil sa pambabastos ng nasabing dayuhan.

Nabatid sa mga bata na bukod sa paglalabas ng kanyang ari ay nilaro pa umano ng suspek ang kanyang pototoy dahilan para matakot ang mga biktima.

Kitang-kita naman sa CCTV ng Manila Zoo ang tangkang pag-alma ng suspek sa pag-aresto ng mga pulis.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply