‘It’s more fun in Intramuros’ ilulunsad bukas

KASABAY ng pagdiriwang ng week-long celebration ng “Intramuros Week” ay ilulunsad naman ang “It’s more fun in Intramuros” sa Ristorante Del Mitre, Intramuros, Manila, bukas ng umaga (Mayo 18).

Ito ay upang ipakita ang malaking pagbabago sa makasaysayang lugar sa Maynila.

Ang selebrasyon ng “Intramuros Week” ay gaganapin sa May 18 hanggang 23, 2012.

Inaanyayahan ang publiko na maglibot sa loob ng Fort Santiago upang makita ang paghihirap ng pamahalaan sa pagpapanatili sa kaayusan  at kagandahan ng nasabing heritage site.

May 50 hanggang 100 kilalang visual artist din ang makikita sa on the spot street painting. Pangungunahan ito ni Nemiranda, Al Perez, Rafael Pacheco, Egay Fernandez, at marami pang iba.

Pangungunahan ang selebrasyon ni Intramuros Administrator Junjun Capistrano kasama si Touris Undersecretary Daniel Corpuz.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply