‘It’s more fun in the Phillipines’ ayon sa isang Aleman

HALOS dalawang dekada nang iniikot ni Gunter Holtorf ang buong mundo gamit ang kanyang 1988 Mercedes Benz G-class, at nito lamang buwan ng Mayo, ay tinapos niya ang Philippine leg ng kanyang world tour.

Si Gunther Holtorf ay dating manager ng Lufthansa Asia, na halos naikot na ang buong mundo gamit ang kanyang Mercedes-Benz SUV na pinangalanan niyang “Otto.”

Kasama ang kanyang misis na si Christine Holtorf, halos naikot na ng mag-asawa ang buong mundo lulan ni “Otto.”

Pamula sa mga African safari at jungle hanggang sa disyerto ng Middle East, at maging ang mga nagyeyelong rehiyon sa Alaska, 800,000 kilometers na ang itinakbo ni “Otto’ magmula nang simulan ng mag-asawa ang kanilang paglalakbay. Ang Mercedes Benz G-class ang siya nang nagsilbing tahanan nila Holtorf sa loob ng dalawang dekada.

Sa kasamaang-palad, sumakabilang-buhay na si Christine noong 2010, gayunpaman, patuloy pa rin si Gunther sa pagabot ng kanilang pangarap na libutin ang buong mundo at si “Otto” na ang kanyang katuwag ngayon.

Ang Pilipinas ang ika-199 stop ni Holtorf at Otto ng kanilang World Tour. Nito lamang Abril, nag-island hopping sa katimugang Pilipinas si Holtorf at si “Otto” lulan ng RORO—magmula sa Mt. Apo sa Mindanao, hanggang sa Bulkang Mayon ng Taal at sa naggagandahang beaches ng Bohol at Puerto Galera. Nilibot naman niya ang hilagang bahagi ng Pilipinas nitong Mayo, kasama na ang Bondoc- Sagada-Banaue region.

Ayon kay Gunther, napaka-hospitable at friendly raw ng mga Pinoy kaya naman “It’s More fun in the Philippines.”

Tutulak naman patungong Japan si Holtorf ngayong linggo para sa 200th stop ng “Otto” Round-the-World Record Tour.

BIG BIKES AND BAYLISS WEEKEND

SA PANGUNGUNA ng power couple ng Ducati Philippines na sina Mr. Toti Alberto at Mrs. Joy Alberto, tagumpay na naipagdiwang ang 1st Philippine Ducati Weekend sa Clark, Pampanga noong nakaraang linggo.

Umabot sa isang libo ang bilang ng mga dumalo sa 2-day celebration ng Ducati Weekend sa Clark International Speedway at Fontana Leisure Parks noong May 19 at 20; kabilang na rito, ang iba’t ibang Ducati clubs sa bansa at kanilang pamilya at ang mga fans ng sikat na Italian luxury motorcycle brand.

Isa sa mga naging highlight ng event ay ang pagdalo ng 3-time Superbike World Champ na si Troy Bayliss. Ilan sa mga Ducatisti ay maswerte’ng nagkaroon ng pagkakataon upang makipagkarera sa Australian champ sa tracks ng Clark International Speedway. Samantalang, ang iba namang fans ay nilubos ang pagkakataon upang makakuha ng picture o hindi kaya naman autograph mula kay Bayliss.

Nagtipon rin ang mga Ducatisti upang saksihan ang official launching party ng latest model ng Ducati, na 1199 Panigale, at ang Awarding of the Keys ceremony sa unang sampung buyers ng Ducati sa bansa.

Mismong si Bayliss at ang Ducati Asia Sales Director na si Pierfrancesco Scalzo ang nag-abot ng bagong Ducati keys sa mga mapapalad na Ducatisti.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply