J. Sanchez pinanood nang live ni Pacman sa AI elimination

LOS ANGELES – Abala man sa kanyang training para paghandaan ang laban kay Timothy Bradley, naglaan ng oras si Manny Pacquiao para suportahan ang pambato ng Pilipinas na si Jessica Sanchez sa American Idol (AI).

Napag-alaman na nanood ng live at hindi sa telebisyon lamang si Pacman sa katatapos ng elimination episode ng American Idol.

Maliban sa pound-for-pound king, personal ding nanood si Apl.de.Ap ng “Black Eyed Peas” na isa ring Pinoy.

Si Apl.de.Ap o Allan Pineda Lindo, Jr. sa tunay na buhay ay isinilang sa Sapang Bato, Angeles City, Pampanga.

Una ng kinumpirma sa Twitter ng TV host na si Tim Yap at celebrity doctor na si Vicki Belo ang panonood ni Pacquiao..

Ayon kay Belo, maggi-guest ang pound-for-pound king sa episode ng American Idol ngayong umaga at hangad na matuloy ito.

“Manny Pacquiao is set to guest on American idol tomorrow. It’s his way of supporting Jessica Sanchez . Hope he makes it .”

Sinabi naman ni Yap na patunay ito ng pagkakaisa ng mga Pinoy sa pagsuporta kay Sanchez.

Una ng ipinaabot ni Pacman ang good luck wish si Pacman para kay Sanchez at idinedeklara sa ngalan ng Panginoon na mananalo ang Pinay pride.

“Jessica Sanchez, good luck! I declare that you’re gonna win in Jesus’ name,” ani Pacquiao. “To Jessica, good luck. I pray for you and [remember that] nothing is impossible with God.”

Maliban sa Filipino community sa America, all-out support din ang mga Sanchez fanatics sa Mexico na pinagmulan ng kanyang ama.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply