James 40 points: Don’t panic

TUMARAK ng 70 puntos sina star players LeBron James at Dwyane Wade upang pasuin ng Miami Heat ang makulit na Indiana Pacers, 101-93 sa Game 4 ng 2011-12 National Basketball Association Eastern Conference semifinals kaninang umaga.

Nakatakas sa delikadong 1-3 na serye ang EC defending champion Heat matapos ilista ni MVP James ang 40 puntos, 18 rebounds at nine assists upang itabla sa 2-2 ang kanilang best-of-seven second round playoffs.

”I felt like I had to do whatever it took to win,” sabi ni James.

Inaakala ng lahat na matataranta si James at ang buong Heat dahil binulaga sila ng Pacers sa Games 2 at 3 subalit lumabas ang tikas ng three time NBA MVP at naging katuwang nito si Wade kapag dumidikit ang kanilang katunggali sa score.

“Me and ‘Bron had it going,” ani Wade, na bumawi mula sa pinakamasamang laro sa playoffs game sa kanyang career (five points on 2-of-13 shooting) “We played off of each other very well. We both were aggressive at the same time. That’s beautiful basketball for the Miami Heat when we play that way.”

Umambag si Wade ng 30 points, siyam na rebounds at anim na assists habang si Heat bench player Udonis Haslem ay naglagak ng 14 markers at apat na boards.

“Those guys carry a large load,”  patungkol ni Haslem kina Wade at James. “But sometimes we need other guys to step up and tonight was my turn. Next time it might be somebody else.”

Pumutok ng trey si Danny Granger para sa 61-51 bentahe subalit nag-umpisang mangalabaw nina James at Wade para makuha ng Heat ang lamang 70-76,  papasok ng fourth canto.

Si Granger ang nanguna sa opensa para sa Pacers na may 20 pts., limang rebounds at tatlong assists habang pumangalawa si Darren Collison na lumista ng 16 points.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply