James babawi sa Game 4

NALASAP ng Miami Heat ang ikalawang kabiguan sa Indiana Pacers kaya naman namimiligro sila sa asam nilang makuha ang titulo sa 2011-12 National Basketball Association, (NBA) season.

Kinansela ng Heat ang kanilang practice kahapon at pagpapa-interview sa media dahil nanatili sila sa kanilang hotel upang maipahinga ang kanilang isipan at katawan matapos ang 94-75 kabiguan sa Game 3 ng Eastern Conference semifinals.

Tangan ng Pacers ang 2-1 bentahe sa kanilang best-of-seven series kaya naman pinaghahandaan ng Heat ang Game 4 na gaganapin sa Indiana sa Lunes, (Mayo 21).

Si Udonis Haslem ang nanguna sa opensa para sa Heat na may 25 puntos, anim na rebounds at limang assists habang si James ay tumarak ng 22 points, pitong boards at tatlong assists.

Marahil ay nag-panic si Wade dahil limang puntos lang ang kanyang nagawa kaya nakipagsagutan ito sa kanyang coach na si Eric Spoelstra.

Samantala, pinabibilis naman ang paggaling ng isa sa “Big 3s” na Heat na si Chris Bosh na nagtamo ng abdominal muscle strained.

Nakahanda naman ang Pacers dahil alam nilang babalik ang Heat.

”We will not back down or take anything from any team,” ani forward David West. ”We are not going to be pushed around.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply