Japanese natagpuang patay sa Condo sa Malate

PATAY na ng matagpuan ang isang 46 anyos na Japanese national sa loob ng isang condo unit  sa Malate, Maynila kagabi (May 26).

Nakilala ang biktimang si Masaki Kobayashi, mula sa Shizuoka Japan at pansamantalang nanunuluyan sa Room 1438 Riviera Mansion sa 1638 A. Mabini St., Malate, Maynila.

Sa  imbestigasyon ni SPO4 Gerardo Rivera ng MPD-homicde section, dakong 8:15 ng gabi nang natagpuang patay ang biktima sa loob ng kanyang tinutuluyang condominium.

Ayon kina Madeline Oreo, 27, Chambermaid at Jenneth Sizon, 46, Executive Housekeeper, nadiskubre nilang patay na ang biktima ng puwersahin nilang buksan ang kuwarto gamit ang duplicate key.

Naobliga umano ang dalawa na buksan ang pinto dahil ilang araw nang hindi nila napapansin ang biktima at hindi rin umano sinasagot ng biktima ang tawag mula sa kanyang asawa at mga anak sa Japan at Australia.

Nabatid na si Kobayashi ay nag-check in noong Mayo 20, 2012 dakong alas 12;27 ng hapon. Huli itong nakitang buhay noong Mayo 25, dakong  2:55 ng hapon kung saan lumabas ito subalit hindi na napansin ang pagbalik nito.

Dumating ang biktima noong April 17, 2012 at nakatakdang bumalik sa kanilang bansa noong May 8, 2012 subalit binigyan siya ng extension ng Immigration hanggang June 15 pa.

Bagama’t wala namang nakitang anumang kakaiba sa loob ng kuwarto ng biktima, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa pagkamatay  nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply