Jazz binokya ng Spurs

SUMAMPA na rin ang San Antonio Spurs sa second round ng 2011-12 National Basketball Association, (NBA) playoffs matapos nilang walisin ang Utah Jazz, 87-81 kaninang umaga.

Bumanat si veteran Manu Ginobili ng 17 puntos at apat na rebounds upang pangunahan ang opensa ng Spurs at ilista ang 4-0 sa kanilang best-of-seven Western Conference match.

Una ng nakapasok ang Oklahoma City Thunder nang patalsikin nila ang defending champion na Dallas Mavericks via sweep.

Malas si Ginobili sa unang tatlong laro nila sa playoffs matapos ang 0 of 8 sa labas subalit sa Game 4 ng magbigay ng konting kaba ang Utah dahil naidikit nila ang score sa 61-58 ay bumira ito ng back-to-back treys para muling kumawala ang Spurs.

”Some people thought it was over and the Jazz ran it right at us,” wika ni Spurs coach Gregg Popovich.

”They don’t quit. They are a class team and a class organization and (coach) Ty (Corbin) is continuing that.”

Umarangkada rin ng 11 points at tatlong rebounds si bench player Gary Neal upang hintayin ng Spurs ang susunod nilang makakaharap.

”We’ve been a deeper team this year than we usually are and it sure came in handy tonight,” sabi ni Popovich.

Tig-11 markers din ang inambag ng dalawang star players ng Spurs na sina Tony Parker at Tim Duncan.

Kinapos naman ang 26 pts. at 10 boards ni Al Jefferson upang itakas ang Jazz sa kahihiyan.

Sumegundo sa opensa ng Jazz si Devin Harris na nagtala ng 19 puntos, pitong assists at tatlong rebounds. ELECH DAWA

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply