Jazz lubog sa Game 2

EASY win sa Game 1, ganun din sa Game 2 kaya naman nangangamoy sweep ang first round ng playoffs sa pagitan ng San Antonio Spurs at Utah Jazz.

Tumikada si Tony Parker ng 18 puntos, siyam na assists at apat na rebounds upang muling tambakan ng Spurs ang Jazz, 114-83 sa Western Conference ng 2011-12 National Basketball Association, (NBA) playoffs kaninang umaga.

May bentaheng 2-0 ang Spurs sa kanilang best-of-seven series kaya naman paniguradong maghahasik ang Jazz sa Game 3 kung saan ay sa lugar ng huli gaganapin ang laban.

Ganun pa man ayon kay Parker ay sinisiguro nilang tatapatan nila ang enerhiya ng Jazz.

”We were aggressive and we wanted to make sure we matched their energy,” saad ni Parker.

Matapos ang Game 1 nagbitaw ng salita ang Jazz na bibigyan nila ng magandang laban ang Spurs sa Game 2 subalit napaghandaan ito ni NBA Coach of the Year Gregg Popovich kaya sa second canto ay nagpasabog ang San Antonio ng 20-0 run.

”I can’t explain it. I couldn’t explain it the other night,” anang Jazz forward Paul Millsap. ”They came out and just whipped us.”

Umangkla ng 17 points, three boards at dalawang steal si Kawhi Leonard habang nag-ambag naman si Spurs star player Tim Duncan ng 12 pts., 13 rebounds at isang assist.

Tig-10 puntos naman sina Al Jefferson at Josh Howard ng Jazz habang nag-ambag din sina Millsap, Derrick Favors at Alec Burks ng tig-siyam na puntos.

Samantala, inalisan ng mahika ng Indiana Pacers ang Orlando Magic upang mapunta sa una ang abante sa serye 2-1 sa Eastern Conference division.

Kinaldag ng Pacers ang Magic, 97-74.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply