JBC magpupulong para sa susunod na CJ

NAKATAKDANG magpulong ang Judicial and Bar Council (JBC) sa Lunes, Hunyo 4. kaugnay sa proseso sa paghirang ng susunod na chief justice

Talakayin sa pagpupulong ang proseso ng paghahanda ng listahan ng mga nominado na maaaring pumalit sa napataklsik na si Chief Justice Renato Corona.

Ipinaliwanag ni Senador Francis Escudero na miyembro ng JBC ang prosesong pagdadanan na ilalathala nila ang anunsyo na bakante na ang posisyon sa pagka-chief justice at tumatanggap na sila ng mga aplikasyon at nominasyon para sa posisyon.

Sunod, susuyurin nila ang mga aplikasyon at iinterbyuhin ang mga makapapasa.

Muling ilalathala ang listahan ng mga nakapasa para humingi ng opinyon sa publiko at muling pagpupulungan ng mga miyembro ng JBC.

Matapos tuluyang masala ang mga nominado, dito na magsusumite ang JBC ng listahan sa Pangulo na nagtataglay ng hindi bababa sa tatlong
pangalan.

Mayroon lamang 90 araw ang JBC at ang Pangulo para magtalaga ng bagong punong mahistrado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply