JC de Vera, handang makaharap muli si Ms. Wilma Galvante bilang executive ng TV5

HINDI mangingimi si JC de Vera na lapitan agad si Ms. Wilma Galvante kapag nakita niya sa studio ng TV5 ang dating GMA7 executive na ngayo’y isa nang TV5 top consultant.

Nang na-meet namin si JC sa set ng TV5 sa kanilang programang Valiente, agad siyang nakipaghuntahan sa amin hinggil sa usapan namin sa pagiging consultant na ng TV5 ni Ms. Wilma.

Nasabi ni JC na happy siya na makita muli ang dati nyang big boss noon sa GMA7. Sa palagay raw niya ay tapos na ang isyu sa kanila ni Ms. Wilma dahil bati na kasi ang manager niyang si Annebelle Rama at Ms. Wilma.

Ani JC: “Kahit doon pa ako sa GMA7, kapag nakikita ko siya ay lagi ko siyang unang binabati. Alam ko malaki ang nagawa ng network sa career ko noon.“

Kapag nagkita silang dalawa, lalo pa niya itong kakausapin at kukumustahin. Alam din ni JC na si Ms. Wilma ay naging instrumento rin para magkapangalan siya sa showbiz.

Samantala, happy si JC sa nangyayari sa soap niyang Valiente. Maganda ang feedback sa viewers at mataas rin ang rating ng programa na idinidirek ni Joel Lamangan.

Balita pa na mai-extend pang muli ang Valiente dahil ipinasok na ang character ni Lorna Tolentino, ang mayamang real estate owner na kapatid ng role ni Tirso Cruz III na ngayo’y namatay na ang character.

Ani JC: “Pati ako ay nag-e-enjoy sa taping ng Valiente. Panay dekalibreng artista kasi ang nakakasama ko. “Una’y si Michael de Mesa na lumabas na ama ko, tapos pumasok si Tirso na kumandili sa akin sa istorya at nagpamana ng kanyang ari-arian. Ngayon nama’y ang award-wining actress na si Ms. LT.

“Saludo ako sa galing niyang umarte.”

000

NAG-E-ENJOY pa rin si Camille Pratts sa pagiging biyuda niya. Enjoy siya ngayon sa pag-aalaga ng baby nila ng namayapang asawang si Anthony Linsangan. Wala sa isip ng aktres na tumanggap ng manliligaw kahit napi-feel niya ngayon na may lumalapit na para lang magparamdam kung puwede na siyang ligawan.

Tutok ang panahon ni Camille sa anak niyang si Nathan na lumalaking nagiging kamukha ng kanyang ama. Siempre, ang pag-aarista ay theraphy na rin niya dahil lagi siyang busy at nawawala sa isip niya ang biglaang pagkawala ng kanyang asawa last year.

Partner ni Camille sa “Luna Blanca” ang actor na si Raymart Santiago. Hanga si Camille kay Raymart sa set ng soap dahil laging ready ito sa kanilang mga takes. Kahit may pinagdaraanang problema ngayon ito sa pagdedemanda nila ni Claudine Barretto kay Ramon Tulfo.

Siyempre bida sa unang episode ng Luna Blanca ang dalawang batang sina Jillian Ward at Mona Louise Ray. Tapos, sa second generation ay papasok na sina Bea Binene at Barbie Forteza bilang magkambal na anak ni Camille.

Sa susunod na episode, mapanonood ang biglang paglaki ng dalawang bata. Makulit si Luna sa katauhan ni Jillian na laging ipinagtatanggol ang kapatid na si Blanca na role ni Mona Louise.

Kahit galit si Rowena, role ni Camille, kay Luna dahil alam niyang anak ito ng engkanto, ‘di niya mataboy ang bata. Nangingibabaw pa rin ang pagiging ina niya kaya kinandili pa rin niya si Luna kahit ito’y maitim.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply