Jeep nabagsakan ng puno, 2 patay, 7 sugatan

MISTULANG nagsilbing sugo ni kamatayan ang isang Pine tree nang bumagsak sa dumaraang dyip na naging sanhi ng pagkamatay ng dalawa katao at ikinasugat ng pito kanina sa Antipolo.

Idineklarang dead on the spot sa  lugar ng insidente ang hindi pa nakikilalang lalaki at babae na kapwa walang anumang identification card na nakuha ang mga awtoridad sa mga ito.

Nakilala naman ang mga nasugatan na sina Alex Dio, Mario Marivillas, Florante Bakuena, John Michael Caluma Trinidad, Mary Jane Oliveros, Nicita Culawit na pawang nagtamo ng minor injuries sa iba’t ibang parte ng katawan habang patuloy namang inoobsebarhan sa ospital si Jaycel Aguirre dahil sa tinamo nitong fracture sa katawan.

Ayon kay Public Office Safety Division (POSD) Roger Binondo, ala-1:40 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Sumulong Hi-way tapat ng ginagawang Robinson’s Mall.

Napag-alaman na binabagtas ng dyip na may plakang NTM-260 na may biyaheng Cogeo-Antipolo ang nasabing hi-way nang bigla na lamang mabagsakan ng malaking puno ng Pine tree.

Nabatid na mistulang nasentruhan ng pagbagsak ng puno ang isang lalaki at isang babae na lulan ng dyip kung kaya agad ang mga itong nasawi.

Base sa rescue operator 902, matanda na ang puno at tila hindi na gaanong nakakapit ang mga ugat sa lupa na naging dahilan ng pagbagsak nito.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply