Jessica at Phillip nag-duet

BAGO ianunsyo ang bagong winner ng American Idol ay nag-duet muna ang top 2 finalist na sina Jessica Sanchez at Phillip Phillips.

Maganda ang rendition nilang dalawa sa kantang “Love Lift Us Up Where We Belong” na pinasikat nina Joe Cocker and Jennifer Warnes.

Bumagay ang boses ng top 2 finalist sa nasabing kanta. Lumabas ang mahusay na kontrol ng dalawa sa kani-kanilang boses at walang naganap sa sapawan.

Kung kayang bumirit ni Jessica hindi naman nagpahuli si Phillip sa kanya at nakipagsabayan din sa high notes.

Magugunitang isang ballad song lang ang inawit ni Phillip sa kabuuan ng season 11 ng AI, ito ay ang “We’ve Got Tonight.”

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply