Jessica Sanchez at Phillip Phillips tigatlong kanta sa AI final showdon

TIGATLONG kanta uli ang ipamamalas nina Jessica Sanchez at Phillip Phillips, para sa finale ng American Idol Season 11 sa darating na Miyerkules (Mayo 23), sa Nokia Theater sa Los Angeles.

Ito ang inanunsyo kaninang umaga ng American Idol producer na si Nigel Lythgoe ukol sa magiging tema ng face off ng Filipino-Mexican-American singer at ng Amerikanong si Phillips.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Lythgoe na tig-3 kanta muli ang aawitin ng dalawang finalists at isa sa mga ito ay pinili ng Idol creator na si Simon Fuller.

Pipili rin sina Sanchez at Phillips sa mga awiting kinanta na nila sa buong kompetisyon at isa sa mga isinusuhestiyon para kay Jessica ay ang hinangaang “I Will Always Love You” ni Whitney Houston.

Maalala na sa kanyang nasabing performance ng naturang hit song, binigyan ng standing ovation ng American Idol judges ang half-Pinay singer bukod pa sa tumatak ang naturang performance ni Jessica sa buong season.

Ang huling aawitin nina Phillips at Sanchez sa face off ay ang bagong kanta na siyang magiging official  at bagong recording single ng Final 2 contestants pagkatapos ng kompetisyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply